Pag-iisa sa apat na bersyon ng proposed BBL, target na tapusin ng subcommitee ngayong Enero

by Radyo La Verdad | January 17, 2018 (Wednesday) | 2657

Kumpiyansa ang binuong subcommitee sa Kamara na maisusumite nila sa katapusan ng Enero ang draft at pinag-isang bersyon ng Bangsamoro Basic Law dahil may sinusunod silang time table sa pagpapasa nito.

Ngunit nilinaw naman ng chairman nitong si Zamboanga Sibugay 1st District Representative Wilter “Sharky” Wee  Palma, na hindi sila na pressured sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas siya ng executive order kapag hindi nila naipasa ang BBL sa kongreso.

Target nilang maibigay ito sa mother commitee na binubuo ng commitees on local government, muslim affairs at commitee on peace, reconciliation and unit hanggang sa katapusan ng buwan.

Ayon naman kay Rep. Celso Lobregat, isa rin sa nangunguna sa subcommitee, pinagtutuunan nila ng pansin ang constitutionality ng mga probisyon bago nila ito maisapinal.

Apat na bersyon ang kailangan nilang mahimay at masala bago ibigay ang working draft sa mother committee na siya namang magsusulong para sa deliberrasyon at konsultasyo ng naturang panukala.

Sa ngayon, hindi pa nila maisa-isa kung anong mga isyu ang “contentious” o kailangang pag-debatihan  sa dami ng nakapaloob sa apat na bersyon.

Samantala, ayon sa mga nangunguna sa komite, hindi nila alam kung kailan talaga maisasabatas ang BBL.

Mahirap din aniyang tantyahin kung ang federalismo ang mauunang maipasa o ang panukalang BBL.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,