Tuloy- tuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections para sa nakatakdang Brgy at SK Elections sa Oktubre.
Nguni’t hindi pa rin nawawala ang agam-agam ang komisyon na maaring ma-ipagpaliban ang halalan ngayong taon.
Kaya naman bantulot sila kung itutuloy ang nakatakdang pag-iimprenta ng mahigit pitumpu’t pitong milyong balota sa susunod na buwan.
Bago pa sana simulan ito, umaasa silang madesisyunan na ng Konreso sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo kung itutuloy o hindi ang eleksyon.
Isang malaking hamon din sa Comelec na tapusin ang pag-imprenta at paghahanda ng mga balota sa loob lamang ng tatlong buwan bago ang October polls.
Kinakailangan pa nila itong isa-isang suriin kapag na-imprenta na bago ipadala sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 58 milyon ang bilang ng mga botante na nakapagparehistro sa Comelec.
(Aiko Miguel UNTV News Reporter)
Tags: Brgy. at SK elections, COMELEC