Pag-iimprenta ng 77-m na balotang gagamitin sa brgy. at SK elections, nakatakdang simulan bukas

by Radyo La Verdad | August 8, 2017 (Tuesday) | 2542

Nakatakda na bukas ang pagsisimula ng pag-iimprenta ng Commission on Elections sa pitumput-pitong milyong balota na gagamitin para sa brgy at Sangguniang Kabataan polls sa Oktubre.

Mayroon na lamang halos dalawang buwan ang ahensya upang matapos ang ballot printing na dapat ay nakahanda na isang buwan bago ang eleksyon.

Ngunit ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, i-ve-verify pa nila ngayong araw  kung matutuloy o hindi ang nakatakdang pagsisimula ng ballot printing ngayong nagdesisyon na ang Kamara na ipagpaliban ang eleksyon sa Oktubre.

Una nang tinitiyak ng Comelec na hindi masasayang ang anim na bilyong pisong pondo nakalaan sa barangay at SK polls kung sakaling itutuloy nila ang preparasyon.

 

 

 

Tags: , ,