Pag-IBIG, naglaan ng calamity loan para sa mga miyembro na apektado ng lindol

by Radyo La Verdad | August 2, 2022 (Tuesday) | 811

Inanunsyon ng Pag-IBIG nitong Lunes (August 1) na naglaan ito ng P3 Billion calamity loan funds para sa mga miyembro nitong naapektuhanng lindol sa Northern Luzon.

Ayon kay newly appointed Secretary Jose Rizalino L. Acuzar ng Department of Human

Settlements and Urban Development at Chairperson of 11-member Pag-IBIG

Fund Board of Trustees, handa na ang calamity loan ahensiya para sa mga

Pag-IBIG members nito sa Ilocos Region, Cagayan Valley at

Cordillera Administrative Region (CAR) upang matulungan silang makabangon

mula sa pinsalang naidulot ng 7.3 magnitude na lindol.

Samantala, idineploy na rin ng ahensiya ang mobile branch nitong Lingkod Pag-IBIG On-Wheels

upang magkaroon ng offsite service desks na tatanggap ng calamity loan applications gayundin

ng insurance claims para sa mga Pag-IBIG member nito na kukuha ng Pag-IBIG

Housing Loan para sa kanilang ari-arian na nasira dahil sa lindol.

Sa ilalim ng Pag-IBIG calamity loan, maaring makakuha ang mga eligible member

ng Pag-IBIG hanggang 80% ng kanilang total Pag-IBIG savings kung saan maari

itong bayaran sa loob ng tatlong taon.

via Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent

Tags: ,