METRO MANILA – Hinihikayat ni Pag-IBIG Fund Deputy Chief Executive Officer, Alexander Aguilar na mag-apply sa Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) membership program ang mga Pilipinong nasa legal age na.
Ayon kay Aguilar, sa edad na 18 maaari nang simulan ang pag-iipon ng pondo sa programa ng ahensya.
Bawat miyembro ng Pag-IBIG Fund ay mayroong P100 na mandatory minimum monthly contribution na mapupunta sa Regular Savings facility kung saan maaari itong lumago kada taon.
Nag-aalok din ang ahensya ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings kung saan mas mataas ang dividends na maibibigay nito matapos ang 5-year maturity.
Dagdag pa ng opisyal, umabot sa P26 billion ang voluntary contribution na nakolekta ng ahensya sa kabila ng umiiral na pandemya.
(Sunnymhon Torres | La Verdad Correspondent)
Tags: Pag-IBIG Fund