Pag-IBIG Fund members’ savings, nakakuha ng bagong high-record

by Radyo La Verdad | December 2, 2021 (Thursday) | 1992

METRO MANILA – Nakapagtala ng bagong record ang Pag-IBIG Fund matapos pumalo sa mahigit P52 billion ang savings ng Pag-IBIG members sa loob lamang 10 buwan.

Ayon sa ulat ng ahensya, mula Enero hanggang Oktubre, umabot sa kabuoang P52.47 billion ang accumulated savings kung saan tumaas ito sa 35% kumpara sa koleksyon noong 2020 at mas mataas ng 26% kung ikukumpara noong 2019, ang taon na tinaguriang best performing agency ang ahensya.

Sa pahayag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, record-breaking din ang naitala ng agency’s voluntary savings program na Modified Pag-IBIG 2 or MP2, kung saan nasa P21.43 billion or 41% ang total savings collected sa loob lamang ng 10 buwan.

Dagdag ng ahensya, patunay lamang ito ng resulta ng 2021 Philippine Trust Index kung saan nanguna ang Pag-IBIG Fund bilang most trusted Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC).

Nagpahayag din ng pasasalamat ang Pag-IBIG Fund sa mga miyembro nito sa patuloy na pagtitiwala sa kanila sa kabila ng pandemyang nararanasan.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: