Isa sa mga panukalang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipatupad sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ay ang pagpapalawig ng validity ng Philippine passport.
Sang-ayon naman ang Department of Foreign Affairs dito at sa katunayan ay nais nilang maipatupad ito sa lalong madaling panahon.
Bukod sa pag-amyenda sa passport law, may mga dapat din aniyang ikonsidera dito gaya ng modification sa kabuuan ng passport na aakma sa mas mahabang panahon na paggamit nito.
Postibo naman ang naging pananaw dito ng ating mga kababayan lalo na sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa.
Sa ngayon ay wala pang chairman ang mga komiteng inaasahang hahawak sa pag-amyenda ng passport law ngunit umaasa ang dfa na maisasagawa ito sa lalong madaling panahon.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)
Tags: Department of Foreign Affairs, Pag-eextend ng passport validity sa 10 taon