Pag-audit sa NGCP itutuloy ng ERC

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 4032

MON_NGCP
Itutuloy ng Energy Regulatory Commission ang pag-audit sa National Grid Corporation sa kabila ng balita ng pagtanggi nito na makiisa sa gagawing audit.

Ayon sa ERC, layon ng audit na i-assess kung gaano kaayos ang pamamalakad ng NGCP kabilang na kung paano napananatili ng korporasyon ang operasyon ng mga transmission lines sa buong bansa.

Kung hindi makiisa ang NGCP sa audit ay malalagay sa alanganin ang aplikasyon nito upang ma aprubahan ang budget na ngayon ay naka binbin pa sa ERC.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,