Pag-aresto sa mga napalaya dahil sa GCTA hindi na mangagailangan ng Warrant of Arrest – Sec. Año

by Erika Endraca | September 4, 2019 (Wednesday) | 2918

MANILA, Philippines – Pabor si Department Of The Interior And Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na arestuhin uli ang mga bilanggo na napalaya sa pamamagitan Good Conduct Time Allowance (GCTA)  subalit una ng nahatulan dahil sa nagawang mabigat na krimen o heinous crime.

Tiwala ang kalihim na mahuhuli ang karamihan sa mga ito dahil may mga tracker team naman na maaaring magamit para alamin ang kanilang kinaroroonan.

Hindi na niya kailangan pa ng warrant of arrest dahil sa oras na kinansela ang GCTA ay lalabas na pugante na ang mga ito.

Sa ngayon ay suspendido ang pagbibigay ng GCTA habang sumasailalim sa review ang manual at implementing rules and regulations nito.

“Nakikita natin na hindi nga maayos yung pagkaka compute. Kung nagkamali tayo doon dapat icorrect natin yung mali.” ani DILG Sec Eduardo Año.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,