Pag-apruba sa papasok ng bagong Telecommunications Company sa bansa, pinamamadali na ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | December 20, 2017 (Wednesday) | 3776

Binigyan na ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission na madaliin ang pag-apruba sa papasok ng bagong player sa telecommunications industry.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na matiyak na sa first quarter ng 2018 ay maaprubahan na ang pagpasok ng bagong Telcom Company.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Malakanyang na aayon pa rin sa probisyon ng mga umiiral na batas ang prosesong ito. Tulad na lamang ng polisiya sa foreign ownership, gayundin sa regulasyong ipinatutupad ng NTC.

Ayaw din ng Pangulo na makialam ang hudikatura at hindi dapat mag-issue ng temporary restraining order  dahil ito ay national interest na kapakinabangan ng publiko.

Una nang inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na pinili ng Chinese Government ang China Telecom na mamuhunan sa Pilipinas.

Ang desisyon na ito ng Pangulo kaugnay ng pagpasok ng bagong foreign Telecom ay sa gitna na rin ng pagkadismaya ng publiko sa serbisyong ibinibigay ng kasalukuyang mga kumpanya sa Pilipinas.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,