Pag-angkat ng Coco oil sa bansa, tumaas sa buwan ng Enero

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 1032

coco-oil-edited
Tumaas ang nibel ng pag-aangkat ng bansa ng Coconut oil sa buwan ng Enero kung saan bumalik na sa average level kada buwan.

Umabot sa 79,250 metric tons noong Enero, mas mataas ng 87.1% kung ikukumpara sa naitalang 42,360 metric tons noong nakaraang taon sa parehas na buwan.

Ayon kay United Coconut Association of the Philippines Executive Director Yvonne Agustin, ang katamtamang pag-ulan na naranasan noong mga nakaraang buwan ang naging dahilan upang makabawi ang mga puno ng buko mula sa biological stress na naranasan pagkatapos ng tatlong magkakasunod na taon ng magandang ani.

Sa ngayon, nagtakda ang ahensya ng mas mababang export target dahil tinatayang aabutin ng apat o hanggang limang taon bago tuluyang makarekober ang coconut industry ng bansa.