Makatutulong sa Philippine National Police at ilan pang law enforcement agencies ang panukalang pag-aamyenda ng Anti-Wiretapping Law.
Ayon kay sen. Panfilo lacson na chair ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, dapat nang isama sa exemption sa batas ang ilang kaso katulad ng droga.
Sa ngayon, mga kaso lamang na may kaugnayan sa national security tulad ng sedition, rebellion at inciting to sedition ang maaaring gamitan ng wiretapping.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang raid ng oplan galugad sa nbp, nakakapuslit pa rin ng communication gadgets ang mga drug lord kaya’t nagpapatuloy ang kanilang operasyon sa droga.
Hindi naman naniniwala si Sen.Lacson dito.
Aniya, bilang dating hepe nito noong panahon ni dating Pres. Joseph Estrada, alam niya ang kapasidad ng mga gamit ng PNP.
Ayon naman kay Sen. Leila De Lima, dapat maamyemda ang batas para masama ang kaso ng droga sa mga maaaring gamitan ng wiretapping.
Sang-ayon naman ang pamunuan ng PNP dito.
Pero ayon sa senadora hindi ito dapat magamit sa pang-aabuso at paglabag sa right of privacy ng mga indibidwal.
Aniya, siya mismo ay na-wawiretap na sa hindi niya maintindihang dahilan.
Tinanggi naman ng pulisya ang paratang ni De Lima.
Samantala, itinanggi naman ni Sen. De Lima ang lumabas sa isang pahayagan na may dalawa siyang empleyado na may bank accounts na milyones mula sa droga ang laman.
Ito umano ang ginamit ng senadora bilang conduit para tumanggap ng pera mula sa drug lords, kapalit ng pagprotekta sa kanila.
Kinumpirma naman ni Department of Justice Secrertary Vitaliano Aguirre na may hawak silang bagong ebidensya, ngunit pinag-aaralan pa nila ang mga ito.
Nanawagan naman ng senadora na maging patas ang DOJ at NBI sa paghawak ng mga ito.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: ayon sa PNP, makatutulong sa pagtugis ng drug suspects, Pag-amyenda ng wiretapping law