Pag-alam sa dapat managot sa pagbalewala ng intel report sa paglusob ng Maute-ISIS, hindi muna pagtutuunan ng pansin – Sec. Lorenzana

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 1516


Ayaw na munang pagtuunan ng pansin ng Defense Department at militar kung sino ang dapat managot sa pagbalewala ng intel report hinggil sa planong pagpasok ng teroristang ISIS sa Mindanao.

Ayon kay DND Sec. Delfin Lorenzana, sa ngayon ay nakasentro ang kanilang atensyon sa pagpulbos sa natitirang teroristang Maute-ISIS upang masimulan na ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Ngunit inamin ng kalihim na binalaan na sila ng mga kalapit bansa tulad ng Malaysia, Indonesia at Singapore subalit binalewala ito ng militar.

Dahilan upang makapaghanda ang mga terorista gaya nang pagkakaoon ng maraking tauhan at matataas na kalibre ng baril.
Gayunman sinabi ni Lorenzana na ang nangyari sa Marawi ay magsisilbing leksyon sa bawat isa upang seryosohin at ivalidate ang lahat ng intel reports na natatanggap nila.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,