Pag-alala sa mga biktima ng Maguindano massacre, ginanap sa paggunita ng ika-8 nitong anibersaryo

by Radyo La Verdad | November 23, 2017 (Thursday) | 1165

Higit kumulang isang daan ang dumalo sa komemorasyon ng ika-8 anibersaryo ng malagim na November 23, 2009 massacre sa Maguindanao.

Pinangunahan ni Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu ang  pagunita mga kaanak at mga kaibigan sa kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima. Kasama ang asawa ni Gov. Mangudadatu, mga kapatid at supporters sa limampu’t walong indibidwal na tinambangan sa bayan ng Ampatuan.

Sinabi ng gobernador na sadyang naging mabagal ang usad ng kaso sa mga nagdaang taon kahit mabigat ang ebidensya na hawak nila laban sa mga nasasakdal dahil na rin aniya sa delaying tactics ng mga ito. Gayunman, malaki ang pag-asa ni Mangudadatu na sa kasalukuyang administrasyon ay makukuha na nila ang matagal ng hinahangad na hustisya.

Nangako naman si Magudadatu na bagamat matatapos na kaniyang termino ay hindi siya titigil siya hanggat hindi nakakamit ang hustisya.

Samantala, patuloy parin ang programa sa mismong pinangyarihan ng massacre kung saan magkakaroon prayer vigil at lighting of candles.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,