Pag-aaral sa mas maigting na pork importation, aprubado ni Pang. Duterte

by Erika Endraca | February 5, 2021 (Friday) | 13936

METRO MANILA – Upang tugunan ang kakulangan ng suplay at mataas na presyo ng karneng baboy sa bansa, nais ng department of agriculture na pag-aralan ang pagpapalawig ng Minimum Access Volume (MAV) sa pork imports.

Tumutukoy ang mav sa pinahihintulutang dami ng agricultural product na maaaring angkatin at may mababang taripa na ipinapataw.

Sa kasalukyan, nasa 54,000 metric tons lamang ang MAV sa pork imports.

Dahil dito, pumayag si Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na pag-aaralan ang pagpapalawig sa minimum access volume.

“Now, as for the projections of pork supplies for this year, the department of agriculture estimates that with a demand of 1,618,355 metric tons and the projections of the 2021 supplies, we will need to begin the process of reviewing the mav.” ani Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sa ngayon, paiigtingin din ang pag-aangkat ng karneng baboy sa Visayas at Mindanao.

“Pinag-aaralan na po natin yan, at alam naman po natin ang proseso, ang presidente ang mag-authorize niyan, and congress will be given 15 days to conquer with the decision. Pero tinitiningnan po natin muna kung sapat ang suplay galing sa visayas at mindanao at ibang parte ng Luzon” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Bukod dito, payag din ang punong ehekutibo sa pagbuo ng isang sub-task group on economic intelligence upang tugisin ang mga smuggler, profiteers at hoarder ng mga produktong agrikultura.

Pangugunahan ito ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,