Pag-aaral hinggil sa panukalang paggamit ng cable car system sa Metro Manila na popondohan ng France, sinimulan na

by Radyo La Verdad | November 15, 2018 (Thursday) | 14714

Inumpisahan na ng pamahalaan ng Pilipinas at France ang pag-aaral hinggil sa panukalang paggamit ng cable car system sa Metro Manila.

Ang naturang feasibility study ay popondohan ng bansang France sa halagang 450,000 Euros o katumbas ng 27 milyong piso.

Layon ng naturang pag-aaral na matukoy kung papaano magiging posible ang paggamit ng cable car sa sistema ng transportasyon sa Metro Manila.

Isinagawa ang unang technical meeting kahapon sa tanggapan ng Department of Transportation (DOTr) sa Clark, Pampanga.

Dinaluhan ito ni French Ambassador to the Philippines Nicolas Galey, French Embassy Economic Counselor Laurent Estrade, mga kinatawan ng Transportation Department at economic officials.

Ayon sa DOTr, nais ng technical working group na ilagay ang cable car system sa Metro Manila, ngunit ipinapanukala ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ikonsidera ng mga ito ang paggamit nito sa La Union patungong Baguio, gayundin ang ruta ng Caticlan patungong Boracay.

 

Tags: , ,