Pag-aangkat ng Pilipinas ng bigas, ititigil na

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 4506

incoming-Agriculture-Secretay-Manny-Piñol
Naniniwala si incoming Agriculture Secretary Manny Piñol na makakamit ng bansa ang matagal nang target na maging rice self-sufficient.

Kailangan lamang aniyang rebyuhin ang ilang programa ng Department of Agriculture upang malaman kung lubusan itong naipatutupad at napapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda.

Kabilang sa mga ito ay ang sistema sa water management, food production at poverty reduction.

Nasa pilipinas aniya ang grupo ng rice scientists kaya dapat ay hindi tayo nag-aangkat ng bigas lalo’t apektado na rin ng climate change ang ibang bansa.

Hinamon niya rin ang agriculture regional directors na maging rice self-sufficient upang maalis ang pangangailangang mag-import ng bigas.

(UNTV RADIO)

Tags: ,