PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa, pabor sa panukalang pagsasabatas sa nationwide curfew

by Radyo La Verdad | February 21, 2018 (Wednesday) | 3969

Makailang ulit na ring naibabalita ang mga menor de edad na madalas ginagamit ng mga sindikato tulad sa mga transakyon ng iligal na droga.

Isa ito sa dahilan kung bakit isinusulong ni Bagong Herasyon Partylist Representative Bernadette Herrera Dy ang House Bill 7110 o nationwide curfew bill.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga menor de edad o 18 years old pababa ay nasasakop ng nationwide curfew na mula alas dyes ng gabi hanggang ala singko ng madaling araw. Positibo naman ang tanggap dito ng ilang haligi ng tahanan.

Si PNP Chief Ronald Dela Rosa , matagal nang pangarap na magkaroon ng curfew sa buong bansa dahil sinasamantala ng masasamang loob ang mga kabataan.

Ayon pa kay Representative Dy, ang panukalang batas ay hinango nila  sa Quezon City Ordinance na idineklarang naayon sa Saligang Batas ng Korte Suprema noong August 8, 2017.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,