P977 Million hardship allowance, aprubado na ng DepEd maipagkaloob sa mga gurong nasa hardship posts ayon sa Malakanyang

by Radyo La Verdad | January 19, 2017 (Thursday) | 805

AGA_SHA
Inaprubahan na ng pamahalaan ang pagkakaloob ng special hardship allowance ng mga guro.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokeperson Ernesto Abella na noong Janunary 18 pa naaprubahan ang proyekto ng Department of Education.

Ang Special Hardship Allowance o SHA ay ibibigay sa mga gurong may hawak na multi-grade o mahigit sa dalawang klase, mobile at mga nagtuturo sa Alternative Learning System Programs.

Sakop ng pondong ito ang kulang 15-libong paaralan kung saan nakatalaga ang mga guro sa hardship posts at may multi-grade classes samantalang higit dalawang libo naman para sa mga community at mobile learning centers.

Ang mga paaralang ito ay may transport inaccessibility at nakararanas ng kahirapan dahil sa mga kalamidad at armed conflicts.

Matagal nang hinihingi ni Sec. Briones sa Department of Budget and Management ang nasabing allowance para sa kompensasyon ng mga gurong na nasa mahihirap na sitwasyon.

(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)

Tags: