P7M halaga ng health facility sa Surigao, nasira ng lindol

by Radyo La Verdad | February 13, 2017 (Monday) | 821


Labis na napinsala ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao del Norte ang CARAGA Regional Hospital.

Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, umabot sa pitong milyong piso ang halaga ng nasirang health facilities dito.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Sec. Ubial na patuloy ang pagbibigay nila ng kalinga lalo na sa mga nasaktan sa lindol.

Nagtayo ang DOH ng tents sa labas at sa covered walk ng CARAGA General Hospital para magbigay ng medical assistance at psycho-social support sa mga pasyenteng ayaw ng bumalik sa ward dulot ng matinding takot.

Nagpadala na rin aniya ang DOH ng tatlong team mula sa CARAGA, Northern Mindanao at Davao Regions upang magbigay ng psycho-social support at magbigay ng mental health advice at debriefing sa mga pasyente ng CARAGA Regional Hospital.

Nagkaloob din ang DOH sa mga taga Surigao ng disenfecting solutions para sa inuming tubig at pamimigay ng vitamins sa ma bata upang makaiwas sa mga sakit.

(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)

Tags: