P77-M pondo, kakailanganin para sa power restoration sa Albay – Gov. Bichara

by Radyo La Verdad | December 29, 2016 (Thursday) | 977

hazel_bichara
Maliban sa imprastraktura at agrikultura kasama rin sa mga nasira ng Bagyong Nina ang power transmission lines sa Bicol Region.

Halos 90 porsyento ng mga residente sa Camarines Sur, Catanduanes at sa Albay ang nanatiling walang kuryente dahil sa mga nasirang kawad, poste at power transmitters.

Ayon sa Albay Power and Electric Corporation o APEC, 57 milyong piso ang kailangan nilang pondo para sa power restoration, bukod pa sa 20 milyong pisong labor cost.

Kung agad silang makakakuha ng pondo, maaaring masimulan sa una o ikalawang linggo ng Enero ang power restoration sa major municipalities ng probinsya.

Sa December 31 naman target maibalik ang kuryente sa mga bayan hindi gaanong naapektuhan ng bagyo.

Ngayong araw dumating na sa probinsya ng Albay ang ilang engineers mula sa mga electric company at cooperative sa bansa upang tumulong sa power restoration sa buong rehiyon.

(Hazel Rivero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,