P6,500 fuel subsidy, sisimulan nang ipamahagi ng LTFRB simula bukas

by Radyo La Verdad | March 14, 2022 (Monday) | 6634

METRO MANILA – Ipamamahagi na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula bukas ang unang bahagi ng cash assistance ng mga benepisyaryo ng fuel subsidy program ng pamahalaan

Kabilang sa makatatanggap ng P6,500 na subsidy ay ang mga kwalipikadong operator at tsuper ng mga public utility jeepney, public utility bus, uv express, mini bus, shuttle service taxi, transport network vehicle service, tricycle, motorcycle taxi at motorcycle food delivery service.

Unang mabibigyan nito ang mga mayroon nang pantawid pasada program card

“Sa mga drivers and operators po natin, yung ating card po baka—sana po ay hahanapin na po natin. Hindi mawawala kasi iyon po yung unang una po na ike-credit doon yung pondo po na P6,500 per unit” ani LTFRB Executive Director, Maria Kristina Cassion.

Samantala, ang mga hindi naman kabilang sa orihinal na listahan ng pantawid pasada program at walang fuel card ay pinapayuhang magtungo sa LTFRB regional offices sa kanilang lugar.

Tags: ,