P60M pondo para sa pautang, inilaan ng DA para sa mga naapektuhan ng ASF Outbreak

by Erika Endraca | September 26, 2019 (Thursday) | 2800

MANILA, Philippines – Naglaan ng P60M pondo ang Department of Agriculture (DA)  para ipautang sa mga nag-aalaga ng baboy na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF)  outbreak.

Ayon sa DA, wala itong interes at kolateral kung saan 2,000 mga hog raiser ang unang makikinabang mula sa Rizal, Bulacan at Quezon City.

Pahayag ni Agriculture Secretary William Dar, maaaring mag alaga ng ibang hayop ang mga hog raiser gaya ng manok at kambing o kaya naman ay magtanim ng mga gulay.

Sa ngayon ay nasa 15,000 baboy na ang napapatay mula sa mga lugar na naapektuhan ng ASF. Binabayaran iyon ng gobyerno ng P3,000 bawat isa.

Ayon kay Quezon City May Joy Belmonte, nasa 1,000 pa ang kanilang papatayin mula sa mga Barangay Payatas at Bagong Silangan.

Kung kukulangin man aniya ang inilaan nilang P10M pondo  na pambayad sa mga nag-aalaga ng baboy ay posibleng magpatulong na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Once they are cleared, hindi napo tayo papayag na sa barangay bagong silangan at sa payatas ay magkakaroon ulit ng piggery” ani Quezon City Mayor Joy Belmonte.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,