P60-P80 na umento sa minimum wage, inaasahan ng ilang labor groups bago matapos ang taon

by Radyo La Verdad | October 26, 2018 (Friday) | 6484

60 hanggang 80 piso na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa ang inaasahan ng ilang labor groups na maitutupad bago matapos ang taon.

Malayo ito sa hinihinging accross-the-board minimum wage increase na 320 piso. Pero ayon sa Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU- TUCP), ‘di hamak na mas malaki naman ito sa naunang ibinalita na 20 piso na dagdag sa arawang sahod.

Pero ayon sa ALU-TUCP, malayo pa rin ito sa standard na sahod na dapat tanggapin ng isang manggagawa.

Samantala, nilinaw naman ni Dean Antonio Abad, member ng board of governors ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) na maging siya ay hindi sang-ayon sa P20 lang na umento sa sahod ng mga manggagawa.

Ayon pa kay Abad, dapat magpatupad na ng price control ang pamahalaan sa mga pangunahing bilihin.

Matapos ang magkakasunod na public hearing ngayong buwan, magsasagawa na ng deliberasyon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board upang desisyonan ang petisyon ng mga manggagawa para sa dagdag-sahod.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,