P57-M halaga ng giant clam, nakumpiska sa Palawan

by Radyo La Verdad | April 16, 2021 (Friday) | 7431

Aabot sa P57-M halaga ng taklobo ang nakumpiska ng Philippine Coast Guard, Naval Forces Western Security Group, Intelligence Operation 2nd Special Operations Unit – Maritime Group at Bantay Dagat Palawan Task Force at Philippine Task Force sa isinagawang counter action operations sa Narra, Palawan nitong Martes, Abril 13, 2021.

Nakuha ang mga kabibe sa isang tent na pagmamay-ari ni Jonjie Moreño at nagsisilbing tagapamahala nito sa Purok Bonbon, Barangay Panacan.

Ayon kay Moreño, ang 16,467 piraso ng Giant Clam na nakuha ay nakapangalan kay Rolando Eleazar.

Samantala, nasa pamamahala na ngayon ng Palawab Council for Sustainable Development ang mga nakumpiskang taklobo habang patuloy naman na isinasailalim sa imbestigasyon si Eleazar dahil sa paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Isa ang mga Taklobo sa itinuturing na “Endangered Species” dahil isa ito sa ginagamit sa paggawa ng mga mamahaling alahas at ornamental shell trade.

(Fe Gayapa | La Verdad Correspondent)

Tags: ,