P55M halaga ng pekeng produkto, nasabat ng BOC

by Radyo La Verdad | July 25, 2018 (Wednesday) | 2297

Isang tip ang natanggap ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Bureau of Customs (BOC) tungkol sa mga iligal na kontrabandong nakakalusot sa mga ports. Agad na nagsagawa ng surveillance ang grupo.

Matapos ang tatlong araw, natunton ng operatiba ang pinagtataguan ng mga iligal na kontrabando sa isang residential condominium unit sa Tondo, Maynila.

Mga pekeng sigarilyo, cellphone accessories, blank cds at duplicating machines ang nasabat ng BOC sa unit na ito sa 11th floor.

Kahon-kahon naman ng iba’t-ibang pekeng brands ng sigarilyo ang nakita sa isang unit ng 2nd floor sa kaparehong building. Pinaniniwalaan na marami na rin ang nailabas sa mercado at kadalasan ay sa probinsya ito ibinabagsak.

Sa initial na imbestigasyon, nakapangalan kina Sonny Kho at Tito Yao ang dalawang unit na pinagtataguan ng mga kontrabando. Inaalam pa rin ng BOC ang iba pang kasabwat sa iligal na gawain.

Pinag-aaralan na rin ng BOC ang ibang istilo na ginagawa ng mga nagpapasok ng mga kontabando sa mga pribadong ports na hindi na kinakailangan dumaan pa sa Customs. Aabot sa mahigit 55 milyong piso ang nakumpiskang iligal na produkto.

Hindi naman titigil ang BOC sa pagsasagawa ng operasyon para maprotektahan ang mga consumers at ligal na producers ng mga produkto.

 

( JL Asayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,