Pinag-aaralan na ng papasok na administrasyon ang panukala ni Senator Alan Peter Cayetano itaas sa fifty thousand pesos kada buwan ang sahod ng mga pulis, militar at law enforcer.
Ibinase ang 50 thousand peso-salary grade ng pulisya sa pag-aaral na nangangailangan ng tatlumpung-libo kada buwan ang isang pamilya upang disenteng makapamuhay sa Metro Manila.
50 percent ito na mas mababa kesa sa kasalukuyang fifteen thousand pesos per month na suweldo ng pulis na may pinakamababang ranggo.
Naniniwala ang Philippine National Police, makatutulong ang panukalang ito upang mabawasan ang korapsyon sa pulisya.
(UNTV RADIO)
Tags: Philippine National Police, sweldo