P5,000 minimum na sahod ng kasambahay sa Metro Manila, ipatutupad bago matapos ang taon – DOLE

by Erika Endraca | November 27, 2019 (Wednesday) | 10347

METRO MANILA – May ipatutupad na P1,500 na umento sa minimum na pasahod sa mga kasambahay sa Metro Manila bago matapos ang taon ayon sa Department of Labor And Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, aprubado na ng Regional Wage Board ang P5,000 na minimum na sahod ng mga kasambahay. Hinihintay na lamang aniya ang pormal na umpisa ng implementasyon nito.

Muli ring nagpaalala ang Kalihim sa mga employer na dapat kumpleto ang benepisyo ng kanilang mga kasambahay gaya ng SSS, Philhealth at Pagibig.

“Iyong regional tripartite wage board here in Metro Manila submitted a wage adjustment of I think 1,500 for Metro Manila so what originally was 3,500 for our kasambahay in Metro Manila it is now P5,000” ani DOLE Silvestre Bello III.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,