P500 grocery discount sa Seniors & PWDs kada buwan, posibleng maipatupad na

by Radyo La Verdad | February 29, 2024 (Thursday) | 5758

METRO MANILA – Sa pakikipagpulong ni House Speaker Martin Romualdez sa mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), tiniyak ng mga ito na bago matapos ang buwan ng Marso, ay posibleng maipatupad na ang pagkakaroon ng P500 na halaga ng kabuuang discounts sa groceries at prime commodities kada buwan ng Senior Citizens at PWDs.

Kabilang sa sakop ng discounts ang mga basic good gaya ng bigas, mais, karne, isda, manok, itlog, mantika, asukal, gulay, prutas, at iba pa.

Sa susunod na buwan, inaasahan nang ilalabas ang isang Inter-Agency Circular kaugnay nito partikular na ang Department of Agriculture, DTI at Department of Energy. Ngayon, nagsasagawa pa ng konsultasyon ang DTI sa mga stakeholder.

Sa kasalukuyan, umaabot lamang sa P260 ang na-eenjoy na discounts sa groceries at iba pang basic necessities ng Senior Citizens at Persons with Disabilities monthly. Katumbas ito ng P65 kada Linggo.

Tags: , ,