P500 dagdag sa sahod sa mga kasambahay sa Metro Manila at P20 sa minimum wage earner sa Caraga region, inaasahan sa 2024

by Radyo La Verdad | December 18, 2023 (Monday) | 23809

METRO MANILA – Inaasahan ang pagtataas sa sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila at mga minimum wage earner sa Caraga region matapos aprubahan ng kani-kanilang wage boards ang wage increase.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kinumpirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order na isinumite ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Caraga at NCR noong December 13, 2023.

Sa inilabas na Moto Propio Wage Order ng Caraga RTWPB, noong December 5, madaragdagan ang daily minimum wage ng P20 sa lahat ng sector mula January 1, 2024.

Habang magkakaroon pa ng additional P15 sa second tranche sa May 1, 2024.

Samantala naglabas din ng Moto Propio ang RTWPB ng NCR noong Decembr 12, kung saan nakasaad na madadagdagan ng P500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.

Dagdag pa ng DOLE, na ang wage orders ng RTWPB ng Caraga ay inilathala nitong December 16 at magiging epektibo 15 days mula sa publication nito

Habang ngayong December 18, 2023 naman ilalathala ang wage order para sa mga kasambahay sa NCR.

Tags: , ,