METRO MANILA – Inilaan ng pamahalaan ang nasa P500-B para sa Social Amelioration Program sa 2024 national budget, kung saan tinatayang 48-M Pilipino ang makikinabang.
Sa isang pahayag sinabi ni House Speaker Representative Martin Romualdez, na ito ang unang pagkakataon na nasa 9% ng national budget ang inilaan bilang tulong sa mahihirap na mamamayan sa bansa.
Dagdag pa ni Romualdez, ipinakilala ng Kongreso sa panukalang 2024 General Appropriations Bill (GAB) ang bagong programa na Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP), kung saan ang mga target na benepisyaryo ay makatatanggap ng one-time cash assistance na P5,000.
Layunin ng AKAP na magbigay ng cash assistance para sa mga near poor o mga pamilya na ang kita ay hindi hihigit sa P23,000 kada buwan.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com