Sa utos ng Manila Regional Trial Court Branch 24, sinira ng mga otoridad ang mga libu-libong pekeng electronic items na nakumpiska ng mga kawani ng NBI noong Marso nang nakaraang taon.
Tinatayang aabot sa limampung milyong piso ang halaga ng mga pekeng speakers, amplifiers at mga twiter ang sinira sa Manila Harbour Center kaninang umaga.
Ayon kay Sheriff Rex-Bellipuertollano ng Manila RTC, ang mga pekeng electronic items na nakumpiska sa Raon, Quiapo ay nagmula pa sa China.
Nanawagan naman ang mga negosyante sa publiko na tangkilikin ang orihinal na produkto, dahil karamihan sa mga pekeng produkto ay medaling masira at delikado pa sa mga gumagamit nito.
(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)
Tags: P50 milyong halaga ng nasabat na pekeng electronic gadgets, sinira sa Maynila