METRO MANILA – Maglalaan ng P50-M pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang emergency employment para sa mga manggagawang lubhang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Hilagang Luzon nitong Miyerkules (July 27).
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, ito’y makatutulong para sa kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansamantalang hanapbuhay.
Ilan sa mga trabaho na kailangang gawin ay tulad ng mga sumusunod: street sweeping, debris cleaning at declogging works.
Binigyang-diin aniya na makatatanggap sila ng kaukulang sahod batay sa umiiral na minimum wage sa rehiyon.
(Daniel Dequiña | La Verdad Correspondent)
Tags: DOLE