Aabot sa 50.6 billion pesos ang panukalang budget ng Department of Agriculture para sa taong 2017.
Mas mataas ito kumpara ngayong taon na may 48.9 billion pesos.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ang national expenditure program ng ahensya ay babatay pa rin sa planong programa na nais maipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ng poverty alleviation program, plano ng ahensya na magkaroon ng pagtutok sa sampung mga mahihirap na probinsya kada taon upang magpatupad ng mga livelihood program.
Bukod pa ito sa planong modernisasyon at paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa sektor ng agrikultura.
Nasa 5.1 billion pesos naman ang proposed budget ng National Food Authority na mas mataas ng 8.3 percent kumpara ngayong taon.
36.35 billion pesos naman ang panukalang budget ng National irrigation administration na may 11 percent increase.
Ipatutupad rin ng ahensya ang simpleng financing program para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ipinirisinta rin ng D-A ang priority bill ng ahensya.
Kabilang na rito ang pagsusulong ng libreng irigasyon, pagsusulong ng coco levy trust fund, land use policy bill, urban agriculture, Philippine Native Animal Development Act at right to food.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: House Appropriations Committee, P50.6B proposed budget ng D.A.