P5-B karagdagang budget para sa Repatriation Program, aprubado na ng Pangulo

by Erika Endraca | May 28, 2021 (Friday) | 7337

METRO MANILA – Kinumpirma ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na mayroong karagdagang P5-B budget para sa repatriation program ng mga OFWs ang gobyerno. Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Duterte ang pondo para sa mga kababayang naapektuhan ng pandemya.

Dadaan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang paglabas ng pondo na siyang sangay na nagsasagawa ng pagpapauwi sa mga na-stranded na OFWs dulot ng lockdown at pagsasara ng mga establisyimento sa ibang bansa.

Babalikatin din ng OWWA ang gastos para sa COVID testing, pagkain at hotel accommodations pagdating ng Pilipinas ng mga napauwing OFWs. Kapag negatibo ang result ng COVID test ay gagamitin din ang pondo upang makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya ang mga kababayang naapektuhan.

Mas pinahaba ang quarantine period ng mga bumabalik na mga Pilipino sa bansa ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa Press Briefing na ginanap kahapon (May 27).

(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)

Tags: ,