METRO MANILA – Aabot sa P5.768-T ang panukalang national budget para sa taong 2024.
Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) mas mataas ito ng 9.5% kung ikukumpara sa 2023 national budget budget na P5.268-T.
Kabilang sa prayoridad ng nasabing pondo ang ilang expenditure items para sa pagpapaunlad ng social and economic transformation gaya ng infrastructure development, food security, digital transformation, at human capital development.
Inaasahan naman na ipipresenta ng DBCC sa gabinete ang 2024 national expenditure programs (NEP).
Tags: 2024, DBCC, National budget