P5.2-M shipment ng ilegal na droga nasabat ng BOC

by Erika Endraca | July 31, 2021 (Saturday) | 32565

METRO MANILA – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang PDEA at Inter-Agency Drug Interdiction Group NAIA, ang tangkang pag-eexport ng nasa 763 grams ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng mahigit 5.2 million pesos.

Binalot at isinilid sa mga kahon ng shuttle cock ang mga droga nang masamsam ito ng mga awtoridad sa kanilang isinagawang x-ray scanning at physical examination.

Ayon sa imbestigasyon, ang kargamentong naglalaman ng mga ilegal na droga ay patungo sana ng Bahrain, United Kingdom at Australia.

Agad namang nai-turn over kahapon (July 30) sa PDEA ang mga nasamsam na droga para sa profiling at paghahain ng reklamo.

Nahaharap naman sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag sa Section 1401 o (Unlawful Importation and Exportation) sa ilalim ng “Customs Modernization and Tariff Act of 2016” ang mga sangkot sa tangkang pag-eexport.

(Jasha Gamao | La Verdad Correspondent)

Tags: ,