P40 minimum wage sa National Capital Region, ipatutupad sa July 16

by Radyo La Verdad | July 13, 2023 (Thursday) | 17894

METRO MANILA – Ipatutupad na simula sa Linggo July 16 ang inaprubahang P40 na minimum wage sa National Capital Region (NCR) para sa mga manggagawa sa pribadong sektor ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ay sa kabila ng petisyong inihain ng labor coalitions laban sa naturang wage order, na nagsusulong na itaas sa P1,161 ang minimum na arawang sahod.

Base sa Wage Order No. 24 ng Metro Manila Regional Tripartite Wages and Productivity Board mula sa P570, magiging P610 na ang minimum wage ng mga nasa non-agricultural sector.

At mula naman sa P533, magiging P573 na para sa nasa agricultural sector.

Samantala kasalukuyang tinatalakay ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Central Luzon, Calabarzon at Western Visayas ang mga petisyon para rin sa minimum wage increase.

Tags: , ,