P40-M na halaga ng anti-terrorism equipment, ipinagkaloob ng Estados Unidos sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | September 8, 2016 (Thursday) | 1659

LEA_DELA-ROSA
Nasa 900 thousand US dollars o 40 million pesos na halaga ng anti-terrorism equipment ang ipinagkaloob ng Amerika sa Pilipinas.

Ipamamahagi ang mga ito sa Philippine National Police Special Action Force o SAF, Explosive and Ordnance Division- K9, crime lab, anti-cybercrime, training service at sa PNP Region 12.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na hindi magpapabaya ang mga pulis, militar at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagbabantay sa seguridad upang mapigilan ang anomang banta ng terorismo.

Muli namang ipinahayag ng Estados Unidos na nanatili ang matibay na ugnayan sa pagitan nito at ng Pilipinas sa kabila ng mga isyung kinasasangkutan ni Pangulong Duterte at U.S. President Barrack Obama.

Tags: , ,