METRO MANILA – Muling umaapela ang isang grupo ng mga panadero ng dagdag na P4 sa presyo ng Pinoy pandesal at Pinoy Tasty.
Ayon kay Philippine Baking Industry Group President Johnlu Koa, , isinantabi lang nila ang kanilang naunang kahilingan upang bigyang daan muna ang pagpapalit ng administrasyon.
Ngunit hindi na kakayanin pa ng mga pandesal manufacturer ang pagtaas ng presyo ng mga sangkap na ginagamit nila sa paggawa ng mga tinapay.
Ang payo naman ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) President Steven Cua, may mga alternatibong produktong maaring bilhin.
Aniya, kailangan lang piliin ng mga consumer, ang mga bibilhing produkto lalo na yung sulit sa presyo.
Nanawagan rin ang grupo sa mga mamimili, na ilabas at gamitin ang mga nakatagong barya para magamit sa ekonomiya at makadagdag sa pang-araw-araw nilang budget.
(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)
Tags: pandesal, Pinoy Taasty