Magbebenta ng murang bigas ang mga lokal ng magsasaka sa Department of Agriculture compound sa February 14.
Ayon kay Secretary Manny Piñol, tutulungan nito ang mga kooperatiba ng mga magsasaka na makapagbenta sa publiko ng bigas sa halagang P38 lamang kada kilo.
Katumbas aniya ito ng primera klaseng bigas na ibinebenta sa mga palengke ng P50 kada kilo. Mabibili ang murang bigas sa Agri Business Center na nasa head office ng Department of Agriculture sa Quezon City Circle.
Maglalaan ang DA ng nasa tatlong libong bag ng bigas na tig sampu at 25 kilo.
Ayon sa kalihim, patutunayan lamang ng DA na hindi dapat tumaas ang presyo ng bigas dahil may sapat na supply ang bansa.
Ang pagtaas niya ng presyo ng bigas ay dahil sa rice cartel o dahil sa pananamantala ng ilang negosyante.