P31.5M fund para sa Kidapawan City, maaring i-exempt ng COMELEC upang hindi makunsiderang campaign fund

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 3791

DAVAO
Kailangan dumaan sa proseso at approval ng COMELEC ang pagbibigay ng 31.5M pesos na calamity fund ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Davao sa mga nagugutom na magsasaka sa Kidapawan City, upang mabigyan ito ng exemption at hindi makunsiderang ginamit bilang campaign fund.

Ayon kay. Atty. Marlon Casquejo, Assistant Director ng COMELEC Region XI, kailangan lamang sundin ng mga opisyal ng lokal ng pamahalaan ang nakasaad sa COMELEC resolution 991, item 2-1 COA requirements kaugnay ng campaign finance unit.

Tungkol naman sa mga paghahanda ng COMELEC Region XI sa darating na eleksyon, nakapag train na ng 3, 840 board of canvassers sa 1,280 clusters sa lungsod ng Davao.

Habang noong Marso pa natapos ang pagtraining sa 12,315 na mga Chairpersons at Poll Clerks para sa 4,108 clustered precincts naman sa buong rehiyon.

Samantala, mayroon ng initial approval mula sa COMELEC Head Office ng maaring pagdausan ng mall voting, kasama sa listahan ang SM Ecoland, SM Lanang, Abreeza Mall, Gaisano Mall, Gaisano South, at mga malls sa Panabo City, Tagum City at Nabunturan.

Kinonsidera ang lokasyon na syang pinakamalapit sa paaralan kung saan nagpatalang boboto ang mga person with disability o PWDs at senior citizens na magsisilbing syang accessible polling place o app para sa mga ito.

Ang mga accessible polling places na ito ay aabot mula 2-8 clustered precincts sa buong rehiyon.

(Joeie Domingo/UNTV NEWS)

Tags: , ,