P300M halaga ng smuggled rice, nakumpiska ng PNP at BOC sa loob ng tatlong buwan

by Radyo La Verdad | October 12, 2018 (Friday) | 5636

Nasa mahigit isang milyong sako ng smuggled rice ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC) sa mahigit walong daang bodega ng mga trader sa buong bansa. Ito’y mula buwan ng Hulyo hanggang Oktubre ngayong taon.

Ayon kay PNP Spokesperson PCSupt. Benigno Durana Jr., kabilang sa kanilang sinalakay ay ang mga bodega ng bigas sa Central Luzon, Cagayan Valley, Ilocos Region, Metro Manila, Cordillera, Western Mindanao at Bicol Region. Ang mga nakumpiskang bigas ay nagkakahalaga ng 300 milyong piso.

Ang inspesyon na ginagawa ng PNP sa mga warehouses ay bunsod na din ng kautusan ng Pangulo na papanagutin ang mga responsable sa hoarding at smuggling ng bigas sa bansa.

Dagdag ni Durana, ang DTI at BOC na ang bahalang maghain ng criminal charges laban sa mga may-ari ng nasabat na bigas.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,