P30,000, ibibigay na pabuya ng Duterte Admin sa mga magsusumbong vs. mga kumukurakot ng ayuda

by Erika Endraca | May 5, 2020 (Tuesday) | 5743

METRO MANILA – Matapos mag-trending sa social media at maaresto ng mga tauhan ng pulisya ang isang barangay kagawad sa San Agustin, Hagonoy, Bulacan dahil sa pagbulsa ng P3, 500 pesos mula sa mga benepisyaryo ng social amelioration program, hinikayat ng pamahalaan ang publiko na magsumbong laban sa mga ganitong uri ng taong-gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, P30,000ang ibibigay na pabuya sa makapagbibigay ng detalye at makapagsusuplong laban sa mga tiwaling kawani ng pamahalaan.

“Siya po ay magbibigay ng pabuya ng 30 thousand pesos sa lahat po ng magrereport ng local officials na kumakana o kinukurakot ang mga ayuda para po sa mga mahihirap. Tumawag lang po kayo sa 8888. ”ani Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

Samantala, nagpasalamat naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga malalaking negosyante na tumutulong sa pamahalaan sa pagresponde sa Coronavirus pandemic.

Kaalinsabay nito, humingi rin siya ng paumanhin sa ilang business leaders na kaniyang tinuligsa noong mga nakalipas na panahon.

“I’d like to thank you from the bottom of my heart for helping us provide the necessities of the moment. I can promise you I’ll be nice and if you want to see me we can talk the covid humbled me, with the kind of response you gave, show to the public, it’s a humbling experience for me. yung masakit kong salita,to the Ayalas and si Pangilinan, i apologize for the hurting words, if you can find in your heart to forgive me, if you won’t forgive me, i will go direct to god ”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaalinsabay nito, nagbabala rin siya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na hinaharang ang pag-uwi ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na cleared na sa COVID-19 test.

Aniya, kinakailangan ng national government ang kooperasyon at tulong ng mga ito sa ipinatutupad na panuntunan ng gobyerno.

“I heard also and i’m sure sa city of iloilo, di ninyo tinanggap ang mga ofw, sir Mayor, nakikiusap ako sa inyo sundin lang ninyo ang guidelines, I will operate through dilg importante lang na the returning workers, our brothers and sisters who have labored abroad to give us also their share of their income with us, we do not want to repay them with this kind of behavior. ” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,