P300-M halaga ng mga peke at smuggled products, kinumpiska ng BOC sa QC at Maynila

by Radyo La Verdad | November 10, 2017 (Friday) | 3948

Iba’t-ibang uri ng mga peke at smuggled na bath soap, seasoning at sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng 300 milyong piso ang nakumpiska ng Bureau of Customs o BOC sa tatlong warehouse sa Quezon City at Maynila.

Naaresto rin ang may-ari nito na si Erlinda Chua na umano’y limang taon nang nagbebenta ng mga nasabing produkto. Itinuturing na itong big-time smuggler dahil sa laki ng halaga ng mga nakumpiskang produkto.

Nagbabala naman si Customs Commissioner Isidro Lapeña sa mga mamimili na suriing mabuti ang mga bibilhing produkto upang hindi ito makasama sa kalusugan.

Nanawagan din sa publiko ang BOC na ipagbigay-alam sa kanila ang mga kahina-hinalang mga warehouse na nag-iimbak ng iba’t-ibang klaseng produkto upang hindi na ito makarating pa sa mga pampublikong pamilihan.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,