P30 fixed flagdown rate sa taxi, binawi ng LTFRB

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 1266

LTFRB
Matapos makipagpulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga taxi operator at driver ay binawi na nito ang permanenteng implementasyon sa mababang flagdown rate sa taxi.

March 19 ng maging epektibo ang kautusan habang naka binbin pa rin ang resolusyon sa motion for reconsideration na inihain ng iba’t ibang transport organization.

Mananatili sa P30 ang flag down rate sa taxi, P3.50 ang succeding kilometer kada 500 meters at P3.50 sa 90 seconds na waiting time.

Ayon sa LTFRB, tuloy pa rin ang sampung pisong bawas sa flagdown rate dahil provisional lamang ito.

Hindi na rin matutuloy ang recalibration ng mga metro ng taxi dahil provisional na lamang ang bawas pasahe.

Kapag provisional, maaaring ibalik ng LTFRB sa P40 ang flagdown rate depende sa magiging resolusyon sa mosyon na inihain ng walong grupo ng mga taxi driver at operator

Mayroon namang ilang unit ng taxi ang na-calibrate na, sinadya ng Philippine National Taxi Operators Association o PNTOA na gawin ito upang aktwal na makita kung gaano kalaki ang maaaring malugi sa mga taxi driver kapag ipinatupad ang mas mababang rate

Ito ang gagamitin nilang ebidensya sa hearing na itinakda sa April 12.

Ayon sa PNTOA, okey lamang sa kanila na ang 30 pesos na flag down rate bastat ibalik lamang sa 300 meters ang 500 meters na succeding per kilometer rate sa taxi.

Ikinatuwa naman ito ng ilang mga taxi driver dahil nagkaroon sila ng pagasa na lumaki ang kanilang kita

Nagbabala naman ang ahensya sa mga taxi driver na di susunod na maaari silang makasuhan ng overcharging.

Ipinagutos ng LTFRB na ipaskil pa rin sa loob ng mga taxi na nagpapaalala sa mga pasahero na bawasan ng sampung piso ang kabuuang bayad sa kanilang pasahe.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,