P3.4M halaga shabu, nasabat ng PDEA sa isinagawang buy-bust operation sa isang mall sa Maynila

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 5185

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lalaking ito dahil sa pagbebenta ng shabu sa isang mall sa Maynila. Kinilala ang naaresto na si Salahudin Tokao Kendayao na tubong Cotabato.

Isinagawa ng mga otoridad ang buy bust operation sa parking area ng mall kung saan nahuli din si Kendayao. Nakumpiska sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 3.4 milyong piso.

Pero depensa ng suspek, inutusan lamang siya ng kaniyang pinsan na nasa loob ng Manila City Jail na dalhin ang mga droga sa lugar.

Ayon pa sa PDEA, dalawang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang suspek.

Isang tip mula sa isang impormante ang naging susi para matuklasan nila ang iligal na operasyon ni Kendayao.

Kasalukuyang nakapiit sa PDEA Headquarters ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

Tags: , ,