P3.35 trillion, panukalang budget ng Duterte administration para sa taong 2017

by Radyo La Verdad | July 15, 2016 (Friday) | 5828

Department-of-Budget-and-Management-Secretary-Benjamin-Diokno,
Aabot sa 3.35 trillion pesos ang isusumiteng proposed national budget ng Duterte administration sa Kongreso pagkatapos ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 25.

Ang panukalang budget ay mataas ng 11.6 percent kumpara ngayong 2016 at nagrirepresenta ng 20.4 percent ng Gross Domestic Product o GDP.

Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, tututukan ngayon ng administrasyon ang imprastraktura ng bansa.

Sa panukalang budget, pinakamalaking alokasyon pa rin ang sa edukasyon kung saan naglaan ng 118 billion pesos para lamang sa pagtatayo ng mga eskwelahan.

Naglaan rin ng 54.9 billion pesos para sa pagpapatuloy ng pantawid pamilyang pilipino program o 4p’s at 17.9 billion pesos para sa social pension ng indigent senior filipino citizens.

Ilang reporma naman ang ipatutupad ni Secretary Diokno sa budgeting, una na rito ang pagtatanggal ng bottom up budgeting o BUB ng administrasyong Aquino.

Ayon sa DBM Secretary ikukonsidera rin ng kasalukuyang administrasyon ang paga-identify ng mga proyekto ng mga mambabatas bago maipasa ang panukalang budget.

Target ng administrasyong Duterte na maipasa ang panukalang budget ng 2017 sa Nobyemre o Disyembre.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: ,