Itinutulak ng Commission on Higher Education ang pagpasa sa P29-billion transition fund upang masuportahan ang mga guro sa kolehiyo na maaapektuhan ng K to 12 program ng pamahalaan.
Ipinahayag ni CHED Commissioner Maria Cynthia Rose Banzon-Bautista na nakalaan din ang pondo sa mga gurong mawawalan ng trabaho at makakatanggap ng maliit na sahod dahil sa mababang bilang ng mga mag-aaral na papasok sa kolehiyo sa kalagitnaan ng transition period.
Idinagdag ni Bautista na ang pondo ay magagamit din sa pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
Naniniwala naman ang DepEd na malaki ang maitutulong ng K to 12 program upang makahanap agad ng trabaho ang mga estudyanteng magtatapos sa kanilang pag-aaral.