P250-M halaga ng taklobo, nasabat sa Palawan

by Erika Endraca | July 2, 2021 (Friday) | 7434

PALAWAN – Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa 150 toneladang fossilized giant clams shells o “Taklobo” sa King’s Paradise Island Resort, Barangay Panitian, Sofronio Espaniola, Palawan noong June 28, 2021.

Tinatayang aabot sa P250-Million ang halaga ng mga nakumpiskang kabibe.

Nahuli ang isa sa mga suspek na si Eulogio Josos Togonon at kasalukuyang pinaghahanap ang mga kasamahan nito na kinilalang sina Totong Josos, Nonoy Guliman, at Vilmor Pajardo na pawang residente ng Barangay Iraray, Sofronio Espaniola, Palawan.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 27 ng Republic Act 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” .

(Kyle Nowel Ballad I La Verdad Correspondent)

Tags: ,